Verse 1 Ang pasko'y misa kay Kristo, Ginawang Kristiano para sa “Di Magaping Araw,” Sa misa ang Lumikha ay nililikha, Sa transubstantiation ng tinapay at alak. Verse 2 May mga simbolo ang mga paganong tradisyon, Sa mga laging-lunti, bogtong, at asebo, Ang pagreregalo'y iniugnay sa mga pantas, Na sumamba at naghandog kay Jesus na sanggol. Verse 3 Anong sabi ng Biblia tungkol sa Manunubos? Sya'y Poot natin sa sala sa Genesis tres kinse (3:15), Ipinanganak ng babae at Ama Nya ay Dios, Ganap na Tao’t ganap na Dios - kaangkang Manunubos. Verse 4 Buhay Nyang dalisay ang tela ng roba, Ng katuwirang sa atin ay ibinibihis Nya, Ito’y di babahiran sa pagluwalhati sa Kanya, Binabanal Nya tayo para maangkop sa langit. Verse 5 Lagi nating aalahanin ang aba Nyang kapanganakan Sa buong buhay, Sa buong buhay hanggang sa huling hininga, Ating ihahayag Kanyang buhay at kamatayan, Hindi sa misa kundi sa Huling Hapunan.