Rise Again – Mabuhay Muli Dallas Holm, Zeres Vitto (edition, Tagalog translation) My Hands My Heart - Piano Ipinako Kanyang mga paa’t kamay, Tinawana’t inuyam habang namamatay, Tinanggihan ang Bugtong na Anak ng Dios, Tagapagligtas, Prinsipe ng Buhay. Pero Sya’y nabuhay! Kamataya’t libinga’y di nagtagumpay. Oo, Sya’y nabuhay! Sya’y di nanatili sa libingan. Pinatay din ang mga banal at martir, Inialay ang buhay hanggang kamatayan, Balang araw sila’y lalaya sa libingan, Nagwaging natutulog sa dugo ng Kordero. Sila’y muling babangon, Sa pagbangon ng mga tapat! Oo, sila’y babangon; Di sila mananatili sa libingan. Interlude Maniwala sa Tagapagligtas na nag-alay Ng Kanyang buhay para sa atin, Pagkat kabayaran ng kasalana’y kamatayan Maniwala kay Kristo at mabubuhay ka. Pagkat Sya’y nabuhay, Para ibigay sa ‘tin buhay na walang hanggan. Oo, Sya’y nabuhay! At naghahanda ng lugar para sa ‘tin. Sya’y muling babalik, Sa takdang oras na malapit na, Oo, Sya’y babalik, Para dalhin sa langit ang mga tapat. Oo, Sya’y nabuhay, Babalikan Nya ang kanyang bayan. Amen!!!