Search Me, O God – Edwin J. Orr Suriin Mo Ako, O Dios – Zeres Vitto Suriin Mo ako, O Dios, at puso ko’y unawain, Ako ay subukin, saloobin ko’y alamin, Tingnan kung ako’y merong kasamaan, Sala ko'y linisin, ako’y palayain. Panginoon, pinupuri kita sa paglinis ng sala ko, Salita Mo’y tuparin at ako’y dalisayin, Pag-apuyin Mo kung saan nag-alab aking hiya, Igawad ang ibig kong ngalan Mo’y itanghal. Buhay ko’y kunin Mo’t gawing ganap na Iyo, Aba kong puso’y punuin ng dakila Mong pag-ibig, Tanggalin aking nasa, hilig, kapalaluan, Manatili,Panginoon, ako’y sumusuko. Banal na Espiritu, pagbabago’y galing sa ‘Yo, Ito ay ipadala – at simulan sa ‘kin, Sabi Mo’y ibibigay aming pangangailangan, Ibuhos ang Yong pala, Panginoon.