Create in Me a Clean Heart Likhain Mo sa Akin ang Malinis na Puso Keith Green, Zeres Vitto (new version and tagalog translation) Likhain Mo sa akin ang malinis na puso, At kalooban ko ay baguhin, Gawing pusong laman ang bato kong puso, Maamo’t dalisay tulad ng kay Kristo. Huwag akong itaboy sa harapan Mo, O Dios, At Banal na Espiritu’y huwag kunin, Ibalik sa akin ang galak ng ‘Yong kaligtasan, At kalooban ko ay baguhin. Tulungan akong itakwil ang kasamaan at gawi At kapootan ang kasalanan, Purgahin ako ng hisopo at ako’y hugasan, At ako’y magiging Iyo lamang. Huwag akong itaboy sa harapan Mo, O Dios, At Banal na Espiritu’y huwag kunin, Burahin aking sala, kasamaan, at pagsalangsang, At kalooban ko ay baguhin. Likhain Mo sa akin ang malinis na puso, At kalooban ko ay baguhin. Pagpalain ka ng Panginoon!