Will There Be Any Stars On My Crown? May Bituin Kaya Ang Aking Putong? English and Tagalog Translation by Zeres Vitto Iniisip ko ngayon ang mabituing putong, At kung ang sa ki'y may isa o higit pa, Pag dinaanan natin ang Orion at Pleiades, Putong ko ba'y kikinang tulad nila? May bituin kaya ang aking putong Pag ako'y pinutungan ni Kristo? Sa dagat na bubog kasama ng mga banal, Putong ko ba'y kasing ningning ng bituin? Intermission Sa lakas ng Dios ako'y magsisikap, magdarasal; Maghihikayat ng maraming kaluluwa, Kada hikayat ay kikislap sa aking putong, At magliliwanag sa siyudad ng Dios. Sino ang mga bituin sa aking putong? Pangalan ba nila'y nakaukit? Sa dagat na bubog kasama ng mga banal, Ipi-ping ba ng putong ko ang kanila? Intermission O, anong ligaya, ang sila'y makita; Buháy na hiyás na iaalay kay Jesus, Kay tamis na marinig, "Anak, mabuting gawa!" Sa pag-alay ng putong ko kay Kristo. Intermission May bituin kaya ang aking putong, Pag ako'y pinutungan ni Kristo? Sa dagat na bubog kasama ng mga banal, Putong ko ba'y kasing ningning ng bituin? Pagpalain Ka ng Panginoon