Write them on My Heart (English) Isulat sa 'king Puso (Tagalog) Composer: Marleta Fong Translation: Zeres Shiela Vitto Music: La Musika Sinulat sa batò ang ninais Mo sa ‘ kin, Ang anino ng Iyong katangian, Kayâ tinangkâ kong sundín ang ‘yong utos Ngunit ako’y madalíng maabala’t makalimot. Kayâ isulat sa ‘king puso, Itaták sa ‘king isipan, Ang kagandahan ng ‘Yong utos at palà, Ipaalala kung ganong kaakit ang ‘Yong utos, At isulat sa tapyás ng pusò ko. Iisang bagay lang ang aking ninanais, Na maging lahát na nilikhâ Mo sa ‘kin, At alám ko na ako’y lalagô lamang Kung ikaw ang namamahalà sa buhay ko. Kayâ isulat sa ‘king puso, Itaták sa ‘king isipan, Ang kagandahan ng ‘Yong utos at palà, Ipaalala kung ganong kaakit ang ‘Yong utos, At isulat sa tapyás ng pusò ko. Ang utos ay banaag ng ‘yong kabutihan, Inihayág ng krus ang ‘Yong palà, Pag-ibig ang ganyák sa ‘yong gawìng walâng pintás. Kayâ isulat sa ‘king puso, Itaták sa ‘king isipan, Ang kagandahan ng ‘Yong utos at palà, Ipaalala kung ganong kaakit ang ‘Yong utos, At isulat sa tapyás ng pusò ko. Kayâ isulat sa ‘king puso, Itaták sa ‘king isipan, Ang kagandahan ng ‘Yong utos at palà, Ipaalala kung ganong kaakit ang ‘Yong utos, At isulat sa tapyás ng pusò ko. Ipaalala kung gaanong kaakit ang ‘Yong utos, At isulat sa tapyás ng pusò ko. Pagpalain ka ng Panginoon!