Yet Not I but Through Christ in Me Ngunit Di Ako, Kundî Si Kristo Lyrics Edited in English and translated into Tagalog by Zeres Vitto @shiels3 Music by Don Salmon Uploaded by Zeres Vitto @shiels3 Anong biyayà si Jesus na Manunubos Sa Kanya’y sinaíd ng langit ang kayamanan Aking Pag-asa, Kapalít, Tagapagligtás Kabanalan kong pinagkakátiwalaan Ang paniwalà ko’y si Jesus lang ang pag-asa Pagkat buhay ko’y nakalakíp sa Kanya Sya’y Namatáy sugatá’t bugbóg, sa panalig ako’y buhay Ngunit di ako, kundî si Kristo. Talikdán man ng tao, Si Kristo’y di ako iiwan Sya’y kasama ko hanggang magunaw ang mundó Sa Kanyang lakás alam kong Sya’y magliligtás Tulad ng dati, Lakás Nya’y itátanghál Ang paniwalà ko’y si Jesus ay magtatanggól Mga anghél ay póprotéktát magliligtás Pagdating Nya,Sya'y mamasdan at ako’y tatayô Ngunit di ako, kundî si Kristo. Dugo Nya'y inialay sa templo sa langit Handóg na namámagitan para sa 'kin Sa pintô ng awà ako ay papasók Sa Karapatán Nya ako’y patatawarin Ang paniwalà ko’y sala ko ay pinatawad Si Jesus ang nagsusumamò para sa ‘kin Nakaalpás ako kay Satanás, at aawit, “Ako’y Malayà.” Ngunit di ako, kundî si Kristo. Sa bawat paghingá, Pangakong súsunód kay Jesus Sasaliksíkin aking puso na may kumbabâ Áraw-araw ako’y hihingî ng tawad At taimtím na mananalangin sa Dios Ang paniwalà ko’y si Jesus lang ang pag-asa Sa Kanya ang lahat ng luwalhatì Kapag natapos ang takbo, aking uulitin “Ngunit di ako, kundî si Kristo.” Ang paniwalà ko’y si Jesus lang ang pag-asa Sa Kanya ang lahat ng luwalhatì Kapag natapos ang takbo, aking uulitin “Ngunit di ako, kundî si Kristo.” Kapag natapos ang takbo, aking uulitin “Ngunit di ako, kundî si Kristo.” “Ngunit di ako, kundî si Kristo.” “Ngunit di ako, kundî si Kristo.” Pagpalain ka ng Panginoón!