Jesus Christ, the Lamb of God Jesu-Kristo, Kordero ng Dios English and Tagalog translation by Zeres Vitto @shiels3 Tune borrowed from My Living Hope Music by Don Salmon Tinalikdan Kanyang glorya dahil sa pangako Na ibinigay kay Adam tapos Abraham Ng isang Manunubos, Korderong walang dungis Pinatay mula sa paglalang ng mundo Inihayag ni Moises ang pagdating ng Mesias At lahat ng propeta sa Israel Inihula ang pagsilang at ang kamatayan At gawaing dapat Nyang gawin Bagama't dalisay at walang kasalanan Sya ay nagpabinyag sa pinsang si Juan Ang Ama at Espiritu, sa tinig at presensya Ay kinumpirmang Sya’y Kordero ng Dios Pinasan Nya ang bigat ng sala at hirap At nadama ang kahihiyan ng sala Nakita at naramdaman, at tinahak na mag-isa Sa kaligtasan ng nagkasalang lahi Hallelujah, Tinupad Nya ang utos ng Dios Hallelujah, Namuhay ng dalisay at walang sala Binuhos ang buhay hanggang kamatayan Bilang Kordero sa katayan Jesu-Kristo, Kordero ng Dios! Hallelujah, Ama’y nasiyahan sa Kanyang handog Hallelujah, Sya’y ibinangon mula sa libingan Karapat-dapat Syang tumanggap sa libro At kalagan mga selyo nito Jesu-Kristo, Kordero ng Dios! Sa kabanal-banalan doon sa langit Binibura Nya ang sala ng mga namatay Ito ay darating para sa mga buhay Sya’y tanggapin, sala’y ikumpisal Kapag Sya’y narinig ngayon huwag magmatigas Paputiin ang damit sa dugo ng Kordero Supilin pagmamataas, simbuyo ng damdamin Magbantay at lampara’y ayusin >>> Hallelujah, Hinahanda Nya ang lugar natin Hallelujah, Kung saan Sya, tayo’y páparoón Darating kasama ang mga anghel Tayo’y sasalubong sa himpapawid Jesu-Kristo, Kordero ng Dios! Hallelujah, pag-alabin ang pag-asa Hallelujah, isigaw sa tuktok ng bundok Magpatotoo sa mundo Sa buhay mo'y makikita nila Jesu-Kristo, Kordero ng Dios! Jesu-Kristo, Kordero ng Dios! Jesu-Kristo, Kordero ng Dios! Pagpalain Ka ng Panginoon!