Speak, O Lord Keith Getty and Stuart Townend Umimík, O Panginoon – Tagalog Translated by Zeres Vitto @shiels3 Don Salmon Music Umimík, O Panginoón Habang tinatanggáp banál Mong Salitâ Itaním sa ‘min ang ‘Yong katunayan At sa wangis Mo kami’y hubugin Upang liwanag ni Kristo’y makita Sa ‘ming pag-ibig at pananalig Magsalita’t tuparín sa ‘min Ang lahat para sa ‘Yong l’walhati. Ituro sa ‘min pagsunód ng lubós Banál na paggalang, wagás na kumbabâ Suriin aming isip at ugalì Sa ningníng ng ‘Yong kadalisayan Palakasín aming pananalig Ipamalas ang ‘Yong pag-ibig, kapangyarihan Salitâ Mong totoó’t di nabibigô Hayaang manaíg sa erehiya Umimík, O Panginoón, isip nami’y baguhin Ipanunawà sa ‘min ang ‘Yong panukalà Katotohanang walang pagbabago Na aalingawngáw ng walang hanggán Maninindigan sa ‘Yong pangako Sa pananalig ay sasabáy sa ‘Yo Hanggáng ang iglesya Mo’y maitayô At lupà’y mapunô ng Iyong glorya. >>> Pagpalain Ka Ng Panginoon