As water to the thirsty Tulad ng tubig sa nauuhaw - Tagalog Timothy Dudley-Smith Translated into Tagalog by Zeres Vitto @shiels3 Music by Fountainview Academy Uploaded by Zeres Vitto @shiels 3 Parang tubig sa nauuhaw, Parang ganda sa mga mata, Parang lakás tapos ng hinà, Parang totoó 'di kabulaanan, Parang awitan at tagsiból At magiging tag-aráw, Gayon din ang Panginoón kong buháy, Gayon din Sya sa 'kin. Parang kalmang kapalit ng hiyawan, Parang payapà tapos ng sakít, Parang tagpô tapos ng paalam, Parang araw tapos ng ulán, Parang liwanag ng buwá't bituín At sikat ng araw sa dagat, Gayon din ang Panginoón kong buháy, Gayon din Sya sa 'kin. Parang tulog tapos ng lagnát, Parang gintô sa halip na abó, Parang layà tapos pagkabihag, Parang pagsikat ng araw, Parang tahanan sa manlalakbáy At lahat ng ináasám, Gayon din ang Panginoón kong buháy, Gayon din Sya sa 'kin. >>> Pagpalain Ka ng Panginoón!