Gayon na Lang ang Pag-ibig ng Dios God so Loved the World Translated into Tagalog by Zeres Vitto Uploaded by @shiels3 - Zeres Vitto *** Halina mga pagod at nauuhaw Halina sa balon na di matutuyo Uminom ka ng Tubig At di ka na mauuhaw Mga makasalanan Kanyang awa’y hanapin Halina sa hapag, bubusugin ka N’ya Kabutihan Nya’y subukan Hinahanap mo’y makikita Pagkat gayon na lang ang pag-ibig ng Dios Ibinigay ang bugtong na Anak Walang hanggang buhay ang kakamtan ng maniniwala Mga kabiguan Mga adiksyon Dalhin at ilapag sa paanan ng krus Naghihintay si Jesus na yakapin ka Pagkat gayon na lang ang pag-ibig ng Dios Ibinigay ang bugtong na Anak Walang hanggang buhay ang kakamtan ng maniniwala Kapangyarihan ng kamataya'y natalo Ito ay mabuti, ako ay malaya Pagkat pag-ibig ng Dios ay gayon na lang Purihin ang Dios Sya ang nagbibigay ng pala Purihin Sya Pag-ibig Nya’y nakamamangha Purihin ang Dios Sya ang nagbibigay ng pala Purihin Sya Pag-ibig Nya’y nakamamangha Ito'y kahanga-hanga! Pagkat gayon na lang ang pag-ibig ng Dios Ibinigay ang bugtong na Anak Pagkat gayon na lang ang pag-ibig ng Dios Ibinigay ang bugtong na Anak Walang hanggang buhay ang kakamtan ng maniniwala Kapangyarihan ng kamataya'y natalo Ito ay mabuti, ako ay malaya Pagkat pag-ibig ng Dios ay gayon na lang Mga kabiguan Mga adiksyon Dalhin at ilapag sa paanan ng krus Naghihintay si Jesus na yakapin ka *** Pagpalain ka ng Panginoon!