My Lord and I Ang Panginoon at ako Translated into tagalog by Zeres Vitto Sangah Noona - piano Uploaded by @shiels3 - Zeres Vitto *** Meron akong kaibigan Na minumutya’t hirang Anong lambing Nyang magmahal Umiibig nang tapat Di ko kayang mawalay sa Kanya Gusto kong Sya’y malapit Kami’y magsamang nanahan Ng Panginoon. Minsan nanlulumo’t tamlay Alam Nyang ako’y mahina Pag nag-alok sa kanya’y sumandal Lugod na tatanggapin Sa landas ng liwanag Ako'y inaakay Sabay kaming naglalakad Ng Panginoon. *** Sinasabi ko sa Kanya Kalungkuta’t galak At ang nakasasaya At nakakainis Sinasabi Nya dapat kong gawin At paano subukan Kami ay nag-uusap Ng Panginoon. Alam Nyang ako’y nananabik Manalo ng kaluluwa Inalok Nya akong maging Tagapagsalita Niya Ihahayag ang dakilang pag-ibig At bakit Sya’y namatay Kami’y magkatrabaho Ng Panginoon. Kami'y magkatrabaho Ng Panginoon. Kami'y magkatrabaho Ng Panginoon. *** Pagpalain ka ng Panginoon!