The Broken Chord Composer:Sonica Veith Ang Gapos na Nilagot Tagalog Translation:Zeres Shiela Vitto Music: Sonica Veith >>> Sa banal na templo Sya’y umupo at nagmasid Sinita ang mga guro Tinugon ang mga pantas At lahat ng nakarinig Ay nasabik na malaman pa Sapagkat wala pang nakakita Ng batang ganito Jerusalem, Jerusalem Bumato sa mga propeta’t Nagpako sa Panginoon Jerusalem, Jerusalem Ginapos kita ng pag-ibig Ngunit ito'y iyong nilagot Sa bangka sa lawa Sya'y nagturo ng Salita Lambat ng ebanghelyo’y napuno Sila’y nangamba na baka masira At namangha ang lahat At binaba ang sagwan Sapagkat wala pang nakakita Ng lalaking ganito Jerusalem, Jerusalem Bumato sa mga propeta’t Nagpako sa Panginoon Jerusalem, Jerusalem Ginapos kita ng pag-ibig Ngunit ito'y iyong nilagot O, Pangino’ng jesus ‘Nong ginawa nila sa 'yo? Ikaw ay napakatapat Mapagmahal at Totoo Ang maraming nakarinig Ay sinara ang pinto Sapagkat wala pang nakakita Ng Dios na ganito Jerusalem, Jerusalem Bumato sa mga propeta’t Nagpako sa Panginoon Jerusalem, Jerusalem Ginapos kita ng pag-ibig Ngunit ito'y iyong nilagot. >>> Pagpalain ka ng Panginoon!