Ang Banal na Siyudad The Holy City Frederick E. Weatherly Stephen Adams Zeres Vitto (Tagalog) **** Kagabi ng ako'y natutulog Nanaginip ng mainam Nakatayo ako sa tabi ng templo Sa lumang Herusalem Narinig ko ang mga bata At habang sila'y umaawit Waring tumugon mga anghel sa langit, tinig nila'y umalingawngaw. Waring tumugon ang mga anghel, tinig nila'y umalingawngaw. Herusalem, Herusalem Itaas ang ulo at umawit Hosanna sa kataas-taasan! Hosanna, sa 'yong Hari Tapos waring nagbago ang panaginip Alingawngaw ay tumigil Tumahimik ang mga bata Sa pag-awit ng Hosanna Mahiwagang nagdilim ang araw Umaga'y malamig at maginaw Anino ng krus ay bumangon sa burol na mapanglaw Anino ng krus ay bumangon sa burol na mapanglaw Herusalem, Herusalem Dinggin awit ng mga anghel Hosanna sa kataas-taasan! Hosanna, sa 'yong Hari! At muling nabago ang eksena Tilang may bagong lupa Nakita ang bagong Herusalem Sa tabi ng tuyong dagat Lansangan nito'y may liwanag ng Dios Mga tarangkaha'y bukas Mga ligtas na gustong pumasok Ay di tinanggihan Di kailangan sa gabi buwan o bituin O araw sa umaga Ito ay bagong Herusalem Na hindi lilipas. Ito ay bagong Herusalem na hindi lilipas Herusalem, Herusalem Umawit pagkat gabi'y tapos na Hosanna sa kataas-taasan! Hosanna magpakailanmán! Hosanna sa kataas-taasan! Hosanna magpakailanmán! *** Thank you for singing! Salamat sa pag-awit!