Salamat - Thank you Ray Boltz, Zeres Vitto (tagalog) *** Sa aking panaginip Tayong dalawa’y nasa langit Nilakad natin mga gintong kalye Sa tabi ng Kristal na dagat Mga anghel ay umaawit Ng may tumawag sa iyo Paglingon nati'y nakita Isang binatang nakangiti Sabi n’ya, kaibigan, baka di mo ako kilala Pero teka lang Guro kita sa simbahan Ng ako’y walong taon pa lang Kada linggo nananalangin ka Bago magsimula ang klase At isang araw ng nanalangin ka Tinanggap ko si Jesus Salamat sa regalo mo sa Panginoon Buhay ko ay nagbago Salamat sa regalo mo sa Panginoon Masaya ako’t nagbigay ka Tapos may lalaking humarap sa ‘yo At sabi’y, "Naalaala mo ba?" Ang misyonaryong dumalo Mga litratong dala'y nagpaiyak sa ‘yo Wala kang gaanong pera Pero ibinigay mo lahat Tinanggap ito ni Jesus Kaya narito ako ngayon Salamat sa regalo mo sa Panginoon Buhay ko ay nagbago Salamat sa regalo mo sa Panginoon Masaya ako’t nagbigay ka Isa-isang dumating sila Di abot-tanaw ang dami nila Bawat isa’y nabahagihan Ng ‘yong kabutihan Maliliit na bagay na ginawa Pati mga sakripisyo Di man napansin dito Pero inihayag sa langit Alam ko na sa langit Di dapat iiyak Pero halos tiyak ko Mga mata mo’y lumuluha Paghawak ni Jesus sa yong kamay At humarap ka sa Panginoon Sabi, "Anak, tingin ka sa paligid mo, Ang laki ng 'yong gantimpala." Salamat sa regalo mo sa Panginoon Buhay ko ay nagbago Salamat sa regalo mo sa Panginoon Masaya ako’t nagbigay ka Salamat sa regalo mo sa Panginoon Buhay ko ay nagbago Salamat sa regalo mo sa Panginoon Masaya ako’t nagbigay ka Masaya ako’t nagbigay ka Masaya ako't nagbigay ka *** Salamat sa pag-awit! Thank you for singing!