Ang Manunubos Ko’y Tapat at Totoo (Tagalog) My Redeemer is Faithful and True Steven Curtis Chapman James Isaac Elliott Zeres Shiela M. Vitto (Tagalog) Nebblett Family (Piano) *** Sa paggunita ng mga daang nilakbay, Nakita kong ako’y tinulungan N’ya, At kung meron akong natutunan ay, Ang Manunubos ko’y Tapat at Totoo. Ang Manunubos ko’y Tapat at Totoo, Mga pangako Nya’y tinupad, Kada umaga mga awa Nya’y bago, Ang Manunubos ko’y Tapat at Totoo, Puso ko’y nagagalak sa Kanyang pangakong, “Inihahanda Ko ang iyong tahanan,” Balang araw mukha Nya’y mamasdan Dahil Manunubos ko’y Tapat at Totoo Ang Manunubos ko’y Tapat at Totoo, Mga pangako Nya’y tinupad, Kada umaga mga awa Nya’y bago, Ang Manunubos ko’y Tapat at Totoo. Kanyang pinatunayan ang pag-ibig sa akin, Kung ‘di ko maintindihan, dinadagdagan ang pala. Ang Manunubos ko’y Tapat at Totoo, Mga pangako Nya’y tinupad, Kada umaga mga awa Nya’y bago, Ang Manunubos… Ang Manunubos… ko’y Tapat at Totoo. *** Salamat sa pag-awit! Pagpalain ka ng Panginoon!!!