The Secret Place – Tagalog Ang Lihim na Lugar Psalm 91, Hebrews 4:16 R.C. Sproul Edited and Translated by Zeres Vitto Piano arrangement by Julie Ann Kitchen Uploaded by Zeres Vitto @shiels3 >>> Ang nananahan sa lugar ng Kaitaas-taasan Ay nananatili sa lilim ng Maykapal, Sya ay kanilang kuta at kanlungan, Dios na pinagkakatiwalaan Ang lihim na lugar ng Kaitaas-taasan Hantungan ng dasal, Luklukan ng Dios, Ang pinto nito ay bukas pa, Pwedeng lumapit na walang takot. >>> Ililigtas ka sa silo ng mangangaso, At sa mapaminsalang salot, Kukupkupin ka ng Kanyang pakpak Katotohanan Nya’y depensa’t kalasag Ang lihim na lugar ng Kaitaas-taasan Hantungan ng dasal, Luklukan ng Dios, Ang pinto nito ay bukas pa, Pwedeng lumapit na walang takot. >>> Huwag matakot sa lagim sa gabi, Ni panang lumilipad sa araw, Ni salot sa kadiliman, Ni pinsala sa tanghali. Ang lihim na lugar ng Kaitaas-taasan Hantungan ng dasal, Luklukan ng Dios, Ang pinto nito ay bukas pa, Pwedeng lumapit na walang takot. >>> Mabuwal man ang sanlibo sa ‘yong tabi, At sampung libo sa 'yong kanan, Di ka mapapahamak, ang masama lang, Pagkat ang Dios ay kanlunga't tahanan. Ang lihim na lugar ng Kaitaas-taasan Hantungan ng dasal, Luklukan ng Dios, Ang pinto nito ay bukas pa, Pwedeng lumapit na walang takot. >>> Walang masamang mangyayari sa ‘yo, Ni anumang salot na lalapit, Babantaya’t iingatan ng mga anghel, Aalalayan kapag natisod sa bato. Ang lihim na lugar ng Kaitaas-taasan Hantungan ng dasal, Luklukan ng Dios, Ang pinto nito ay bukas pa, Pwedeng lumapit na walang takot. >>> Tatapakan mo ang leon at ulupong, At ang tutang leon at dragon, Dahil kilala at mahal mo ang Dios, Kukupkupin ka Nya’t ililigtas. Ang lihim na lugar ng Kaitaas-taasan Hantungan ng dasal, Luklukan ng Dios, Ang pinto nito ay bukas pa, Pwedeng lumapit na walang takot. >>> Tumawag sa Dios at Sya’y sasagot, Ililigtas ka at pararangalan, Gagantimpalaan ka ng mahabang buhay, Ipagkakaloob ang Kanyang kaligtasan. Ang lihim na lugar ng Kaitaas-taasan Hantungan ng dasal, Luklukan ng Dios, Ang pinto nito ay bukas pa, Pwedeng lumapit na walang takot. Ang pinto nito ay bukas pa, Pwedeng lumapit na walang takot. >>> Pagpalain ka ng Panginoon!