The Laodicean Plea Ang Samo ng Laodicea - Tagalog Jean Handwerk and Mihaela Williams Edition and Translation by Zeres Vitto Music by Laura Williams – Feat. Nemaia Faletogo Based on Revelation 3:14-22 >>> O, Dios kami nga’y maligamgam, Makasarili, palalo. San ang pag-ibig at sigasig sa’ Yo? Kami ba ay isusuka Mo? Kami’y mayaman, sagana sa lahat, At wala ng kailangan pa. O, na alam naming kami’y aba, Dukha, dalita, hubad, bulag! Ibenta sa ‘min gintong dinalisay At puting damit na pantakip, At haplas na pampahid sa mata, Sawayin at paluin ng ‘yong pag-ibig. Ang Panginoon nating kabanalan Namuhay, namatay para sa ‘tin. Halina, Banal ng Israel, Manunubos, Punong Pari O, sana lagi naming inawit Ang ‘Yong papuring angkop kay Jesus Na may kastigo’t pagpakumbaba, Bagong pananalig at pag-asa, Kami’y naghihintay, naniniwala Sa ‘Yong Salitang totoo, buhay, lakas, Ibilang sa ‘min ang Kanyang kabanalan; At ang buhay Nyang dalisay. Kamangha-manghang pag-ibig na naggawad – Roba ni Kristo sa ‘ting basahan. Aming sala’y di na humahatol; Ang Dios na hukom ay di na galit. Gawin kaming dakila tulad ni Jesus, Para tayo’y magkaisa – Gawin kaming dakila tulad ni Jesus, Para tayo’y magkaisa – Para tayo’y magkaisa. >>> Pagpalain ka ng Panginoon!