The Faith By Which We Stand Ang Pananampalatayang ating Pinaninidigan - Tagalog Paul Marino, Greg Nelson, Steve Green Translated by Zeres Vitto Uploaded by Zeres Vitto @shiels3 >>> Kapag bagyo’y nangangalit at lupa’y lumugso Kapag tubig ay umungol at bundok ay lumindol Kapag baha ng takot ay kumabog Espiritu’y kumikibo, tinitiyak sa ‘tin. Ang pananampalatayang ating Pinaninindigan Sumusugpo sa dudang nag-aalab Di natitinag sa hangin ng alitan Ang salita ng Dios ay totoo Makapangyarihan ang kanyang lakas Sya’y Bato ng ating pag-asa Ating pananampalataya! Ang magnanakaw pumapatay, nagpipinsala Nagbabalak nakawin ating ligaya Sa di mabilang na kasinungalingan Tayo’y magtitiwala kay Kristo! Ang pananampalatayang ating Pinaninindigan Sumusugpo sa dudang nag-aalab Di natitinag sa hangin ng alitan Ang salita ng Dios ay totoo Makapangyarihan ang kanyang lakas Sya’y Bato ng ating pag-asa Ating pananampalataya! Ang Dios ay matapat sa lahat ng ito Ating tulong at lakas, Emmanuel Ngayon hanggang sa kanyang pagbalik Lubos tayong aasa sa Kanya! Ang pananampalatayang ating Pinaninindigan Sumusugpo sa dudang nag-aalab Di natitinag sa hangin ng alitan Ang salita ng Dios ay totoo Makapangyarihan ang kanyang lakas Sya’y Bato ng ating pag-asa Ating pananampalataya! Ating pananampalataya! >>> God Bless You!