Yield Not To Tempation Huwag Magpadaig sa Tukso - Tagalog Horatio R. Palmer Neville Peter – Edition and Piano arrangement Zeres Vitto – Tagalog Translation Uploaded by Zeres Vitto >>> H’wag magpadaig sa tukso, Pagkat ito’y kasalanan; Ang bawat mong tagumpay, Ay makakahikayat; Lumaban ng magiting, Lupigin ang himaling; Patuloy tumingin kay Jesus, Sya’y tutulong na magtagumpay. Iwasan ang masamang katoto, Itakwil ang masamang salita, Igalang ang pangalan ng Dios, H’wag banggitin ng walang kabuluhan; Maging tapat, paubaya, Mabait at totoo; Patuloy tumingin kay Jesus, Sya’y tutulong na magtagumpay. Humingi kay Jesus ng tulong, Aliwin, palakasin, ingatan; Sya ay handang tumulong Para ikaw ay magtagumpay. Bibigyan ng Dios ng korona, Ang magtatagumpay, Mananaig sa pananampalataya, Kahit madalas mamighati; Sya na ating Manunubos, Ay magpapalakas; Basta patuloy tumingin kay Jesus, Sya’y tutulong na magtagumpay. Humingi kay Jesus ng tulong, Aliwin, palakasin, ingatan; Sya ay handang tumulong Para ikaw ay magtagumpay. Humingi kay Jesus ng tulong, Aliwin, palakasin, ingatan; Sya ay handang tumulong Para ikaw ay magtagumpay. >>> Pagpalain Ka ng Panginoon!