It Came Upon a Midnight Clear Dumating sa Maaliwalas na Hatinggabi Edmund H. Sears Zeres Vitto - English Edition, Tagalog Julie Ann Kitchen – Piano Arrangement Uploaded by Zeres Vitto @shiels3 >>> Sa maaliwalas na hatinggabi’y Dumating ang mal’walhating awit Mula sa nagbalitang anghel Sa kapanganakan ni Jesus: “L’walhati sa Dios sa kaitaasan, Kapayapaan, mabuting kalooban,” Mga pastol na taimtim na tahimik ay namangha sa awit. >>> Ang Kalangita’y nagliliwanag Sa mga anghel na umaaligid Na pumuno ng awit ng kagalakan Sa kapatagan ng Judea Sa itaas ng mga pastol at kawan Sabi ng anghel, “H'wag matakot, Ako ay may mabuting balita - Ang pagsilang ni Kristo!” >>> At tayo sa mabigat na pasanin Na baluktot nang mababa Na nagpapagal na pansamantala Sa masakit at mabagal na hakbang Tumingala! Kaligtasa’y malapit na Ating Hari’y darating sa ulap Tayo’y sasalubong sa Kanya't aawit Ng awit ni Moises at ng Kordero >>> Mga huling araw ay nagmamadali Ito’y nakita ni Juan sa Patmos Ngayon mga hula ay natutupad Ang Panginoo’y malapit ng mamasdan Maghanda ng awit ang nagtagumpay Sa hayop at marka nito Na aawitin sa harap ng trono ng Dios Na di maaawit ng tao o anghel. >>> Pag wala ng kasalanan at makasalanan Mananatili sakit at kalungkutan Ngunit papahirin ng Dios ang luha At gagawing bago ang lahat Wala ng kamatayan, ni kalungkutan Ni pag-iyak, ni sakit Sa bagong mundo’y may mga awit Ng mahiwagang pag-ibig ng Dios >>> Pagpalain ka ng Panginoon!