What Child is This? Anong Bata Ito? - Tagalog W. Chatterton Dix Zeres Vitto - Edition and Translation Julie Ann Kitchen – Piano Arrangement Uploaded by Zeres Vitto @shiels3 >>> Anong bata ito, na natutulog Habang mga kawan ay umuunga? Na pinupuri ng anghel sa awit, Habang mga pastol ay nagdidiwang? Sya’y ang Panginoon na Manunubos Kristong hinihintay at inaawitan: Magmadali at Sya'y papurihan, Sanggol ni Mary, Anak ng Kaitaastaasan! >>> Ang bayan Nya’y di naghanda sa kanyang pagdating, Sya’y tinalikuran, Nanay Nya’y naghihilab Sa awa ng tabernero sila’y dinala Sa kamalig na puno ng tupa at baka! Sya’y ang Panginoon na Manunubos Kristong hinihintay at inaawitan: Magmadali at Sya'y papurihan, Sanggol ni Mary, Anak ng Kaitaastaasan! >>> Mga pantas na galing sa Silangan Ay nagdala Ng ginto, mira, at kamangyan, Mga patibay ng pananalig nila sa Kanya ; Bilang Mesias na ipinangako ng langit. Sya’y ang Panginoon na Manunubos Kristong hinihintay at inaawitan: Magmadali at Sya'y papurihan, Sanggol ni Mary, Anak ng Kaitaastaasan! >>> Pagpalain Ka ng Panginoon!