O The Deep, Deep Love of Jesus Ang Malalim na Pag-ibig ni Jesus - Tagalog Samuel Trevor Francis Translated by Zeres Vitto Julie Kitchen - Piano Uploaded by Zeres Vitto @shiels3 O ang malalim na pag-ibig ni Jesus! Walang sukat o hangganan, at libre; Dumadaluyong na gahigante na dagat Na sumuklob sa akin. Sa ilalim at paligid ko, Ang iyong pag-ibig ay umagos; Nangunguna pasulong, humahantong pauwi, Sa mal’walhati Mong kapahingahan sa langit. O ang malalim na pag-ibig ni Jesus! Ang papuri Nya’y ikalat Sa lahat ng baybayin Kung paano Sya magmahal, laging nagmamahal, Hindi nagbabago, hindi kailanman; Kung paano Sya nagmamasid sa kanyang mga minamahal, Namatay upang tawagin silang Kanya; Kung paanong Sya sa kanila'y namamagitan, Mula sa Kanyang luklukan Sya’y nagmamasid. O ang malalim na pag-ibig ni Jesus! Pag-ibig na walang kaparis: Ito ay karagatang puno ng pagpapala Ito’y kublihan ng matamis na kapahingahan. O ang malalim na pag-ibig ni Jesus! Ito’y langit ng kalangitan sa akin; Ito’y itinaas ako sa kal’walhatian, Pagkat itinaas ako nito sa ‘Yo.