With His Stripes We are Healed -edited By Hilari Henriques Mga Latay Nya’y Naging Lunas Natin – Tagalog Edited (3rd v)&Translated by Zeres Vitto Piano by Neville Peter Uploaded by Zeres Vitto @shiels3 Sya’y hinamak at itinakwil Tao ng lungkot at sanay sa hagpis At Sya ay ating tinalikuran Sya’y hinamak at di pinarangalan Tiyak na binuhat Nya ang ating dusa At ang ating hinagpis Pagkat tayo’y tulad ng tupang naligaw Tayo’y bumaling sa sarili nating landas At pinatong sa Kanya ng Dios Ang kasamaan nating lahat At mga latay Nya'y nagpagaling sa 'tin Sya’y nasugatan sa ating pagsuway Nabugbog sa ‘ting kasamaan Sya’y kinastigo upang ipagkasundo tayo sa Dios Sya’y inapi at pinahirapan Ngunit hindi Sya umimik Sya’y parang tupang dinala sa katayan Pagkat tayo’y tulad ng tupang naligaw Tayo’y bumaling sa sarili nating landas At pinatong sa Kanya ng Dios Ang kasamaan nating lahat At mga latay Nya'y nagpagaling sa 'tin Ikinalugod ng Panginoong sugatan Sya Pinagdaan Sya sa dusa Kapag ginawa Nya Syang handog sa kasalanan Makikita Nya ang Kanyang paghihirap At masisiyahan Pagkat kasamaan nati'y Kanyang papasanin Pagkat tayo’y tulad ng tupang naligaw Tayo’y bumaling sa sarili nating landas At pinatong sa Kanya ng Dios Ang kasamaan nating lahat At mga latay Nya'y nagpagaling sa 'tin At pinatong sa Kanya ng Dios Ang kasamaan nating lahat At mga latay Nya'y nagpagaling sa 'tin Oo, mga latay Nya'y nagpagaling sa 'tin