Not I but Christ – A.B Simpson Hindi Ako Kundi Si Kristo – Tagalog – Zeres Vitto Piano by Julie Ann Kitchen Translated by Zeres Vitto Uploaded by Zeres Vitto @shiels3 Hindi ako ang Parangalan, mahalin, dakilain Kundi Si Kristo ang Makita, makilala, marinig Hindi ako Sa bawat tingin at kilos Kundi si Kristo Sa bawat salita’t isip O, ang maligtas sa kapalaluan O, ang mabighani sa ‘Yo O, na sana’y hindi na “ako” Kundi si Kristo sa buhay ko! Hindi ako ang Magpapaalwan ng lumbay Kundi si Kristo Ang magpapahid ng luha Hindi ako ang Bubuhat ng pasaning mahirap Kundi si Kristo Ang papawi ng takot O, ang maligtas sa kapalaluan O, ang mabighani sa ‘Yo O, na sana’y hindi na “ako” Kundi si Kristo sa buhay ko! Si Kristo lang Walang pabayang salita Si Kristo lang Walang maingay na tunog Si Kristo lang Walang palalong tikas Si Kristo lang Walang bakas na “ako” O, ang maligtas sa kapalaluan O, ang mabighani sa ‘Yo O, na sana’y hindi na “ako” Kundi si Kristo sa buhay ko! Hindi ako ang Nagbibigay ng pangangailangan Kundi si Kristo ang Aking lakas at kalusugan Si Kristo lang Sa katawan, kaluluwa, at diwa Si Kristo lang Ang mananahan sa akin O, ang maligtas sa kapalaluan O, ang mabighani sa ‘Yo O, na sana’y hindi na “ako” Kundi si Kristo sa buhay ko! Si Kristo lang ang Pupuno sa aking pangitain Higit na luwalhati aking makikita Si Kristo lang Ang tutupad ng bawat nais ko Si Kristo lang Ang lahat sa akin O, ang maligtas sa kapalaluan O, ang mabighani sa ‘Yo O, na sana’y hindi na “ako” Kundi si Kristo sa buhay ko!