I Wanna Go to Heaven (English) Gusto Kong Pumunta sa Langit (Tagalog) Composer: Rick Metcalf Translation: Zeres Shiela Vitto Music: Kezia Eve T. Imperio, piano ******** Gusto kong pumunta sa langit, Pumitas ng bulaklak na di kumukupas, Sa bundok na natatanaw Ang templo ng aking Dios. Gusto kong pumunta sa langit, Na may liwanag at Kal’walhatian, Nais ko’ng makasama si Hesus, Hangad ko’ng makapiling ang Dios Kung minsa’y di ko na kayang tumigil dito, Dahil nakita ko na ang lupa na mas mainam O, Kung ako’y may bagwis ng kalapati, Ako ay lilipad at magpapahinga. Gusto kong pumunta sa langit, At dinggin ang sabi ni Hesus, “Nilabhan mo sa ‘king dugo ang ‘yong balabal, Tumayong matatag sa katotohanan.” At pagdating ko sa langit, I-aalay ko ang aking putong, Sya’y pupurihin ko magpakailanman, Sa daming ginawa N’ya para sa ‘kin. Kung minsa’y di ko na kayang tumigil dito, Dahil nakita ko na ang lupa na mas mainam, O, Kung ako’y may bagwis ng kalapati, Ako ay lilipad at magpapahinga. Gusto kong pumunta sa langit, At dinggin ang sabi ni Hesus, Ikaw ay aking pagsisilbihan, Pagkat nagdusa ka para sa ‘kin. At pagdating ko sa langit, Uupo sa hapag ni Hesus, Kakain ng bunga ng puno ng buhay, Di na babalik sa mundong ito. Kung minsa’y di ko na kayang tumigil dito, Dahil nakita ko na ang lupa na mas mainam, O, Kung ako’y may bagwis ng kalapati, Ako ay lilipad at magpapahinga. O, Kung ako’y may bagwis ng kalapati, Ako ay lilipad at magpapahinga.