All that thrills my soul is Jesus Thoro Harris Si Jesus ang nagpapakilig sa akin Tagalog translation by Zeres Vitto Uploaded by Zeres Vitto @shiels3 Sinong nagpapagalak tulad ni Jesus Sa kanyang presensya na banal? Totoo, marahan, wagas, at tangi Anong swerting tawagin Sya’ng akin! Si Jesus ang nagpapakilig sa akin Sya’y mas higit kaysa buhay At pinakamarikit sa sampung libo Ang aking Panginoon. Pag-ibig ni Kristo ay walang bayad, Biyaya ng Dios na walang sukat Awang mas mataas kaysa sa langit Mas malalim sa pusod ng dagat Si Jesus ang nagpapakilig sa akin Sya’y mas higit kaysa buhay At pinakamarikit sa sampung libo Ang aking Panginoon. Anong kamanghamanghang pagtubos! Kailan ma’y di mababatid ng mortal Kung kasalanan kong pulang matingkad Magiging mas maputi sa niebe Si Jesus ang nagpapakilig sa akin Sya’y mas higit kaysa buhay At pinakamarikit sa sampung libo Ang aking Panginoon. Lahat ng kailanga’y ibinibigay Bawat kabutiha’y nasa Kanya Umaasa sa kanyang banal na lakas Sya ang lahat sa akin Si Jesus ang nagpapakilig sa akin Sya’y mas higit kaysa buhay At pinakamarikit sa sampung libo Ang aking Panginoon. Sa tabi ng ilog na kristal Aawit kasama mga tinubos At magpakailanman Purihi’t dakilain ang Hari Si Jesus ang nagpapakilig sa akin Sya’y mas higit kaysa buhay At pinakamarikit sa sampung libo Ang aking Panginoon.