Luma’t Bakong na Krus - Tagalog Old Rugged Cross -Josh Cunningham Translated by Zeres Vitto Uploaded by Zeres Vitto @shiels3 >>> Sa luma’t bakong na krus Sa burol nong malaon na Nakabitin ang walang sala’t sisi Sa kaligtasan ng tao Sa kasalanan ng mundo Tagapagligtas ko’y pinatay Bat di mo tingnan ang luma’t bakong na krus Tingnan si Jesus, pangalan Nya’y ihayag Sabihing, “Ama, patawad Ako’y naligaw.” Makikita ka sa luma’t bakong na krus >>> Mula sa luma’t bakong na krus Sya’y nilagay sa libingan Kamataya’y hindi sya maangkin Pagkat si Jesus ay binuhay Upang iligtas ang lahat Maniwala’t lumaya sa tanikala ng sala Bat di mo tingnan ang luma’t bakong na krus Tingnan si Jesus, pangalan Nya’y ihayag Sabihing, “Ama, patawad Ako’y naligaw.” Makikita ka sa luma’t bakong na krus >>> Instrumental >>> Kung pamatok ay mabigat Kung pasani’y mahirap Kung parang wala ng pag-asa May paraan na madali May pamatok na magaan Sumunod at pasanin ang yong krus Bat di mo tingnan ang luma’t bakong na krus Tingnan si Jesus, pangalan Nya’y ihayag Sabihing, “Ama, patawad Ako’y naligaw.” Makikita ka sa luma’t bakong na krus Ialay ang pasanin sa paanan ng krus >>> Pagpalain ka ng Panginoon!